Tuesday, July 1, 2008

time is gold

I do believe in the saying that time is gold. Time is important., coz a lot of things might happen in a minute. Pwede ka pang magrush ng homework sa Filipino or mag review para sa quiz sa english., gumawa ng project at basahin ang irerepot mo mamaya.
Grabe., ung sanang free time namin eh pwede pa naming gawin ang mga yan., pero wala eh. Recess namin ay 12 mins lang. Ang lunch time naman namin ay 66 mins., sana kaso ganito ang ngyayari.. Mag-oovertime kami sa last period namin sa umaga., dahil marami kaming ginagawa at medyo late ang teacher namin na dumating(pero oks lang.,para may vacant kami., hehehe). Kaya mababawasan yan., ng sabihin na nating 10 mins na OT. At dahil late wala ng masasakyang tricycle sa harap ng gate kaya maglalakad kami mula school hangang sa sakayan pauwi. Uhmmnn., that will take., around 5-7 mins din siguro., hehehe., mahirap maglakad eh at nakakatamad. Tapos maghihintay pa ng ibang passengers., taz nakailang beses ng dingdong ung kampana ng simbahan., hindi pa rin kami umaalis. Kaya., paghihintay ng passengers: 5-8 mins. Tapos mula Manaoag hanggang sa brgy. namin eh mga 12 mins din. Sa bahay., kain., toothbrush., konting hilamos., bihis tapos larga na. Hehehe.. 15 mins sa bahay. Tapos balik ulit sa school another 12 mins. So ilan na lahat., 10 + 7 + 8 + 12 + 15 + 12= 64.. Ayan may natira pang 2 mins., hehehe.. Ung 2 mins naman na un ay ang paglalakad ko mula gate hanggang sa ap building. Hehehehe., medyo malapit naman kasi..
At ganyan., ganyan nga ang ngyayari sa recess at lunch time ko. Natutunan ko ang express na paggawa ng mga bagay bagay. Nagtataka nga ung tita ko kung ano ang kinakain ko paglunch eh., kung umiinom na lang ba ako ng tubig para sa lunch dahil sobrang gahol sa oras.. hehehehe..
May isa pang saying na natutunan namin., ewan ko., saying ba talaga un o joke pag-pauwi na kami..
Papunta ka pa lang., pabalik na ako


Pano ba naman., papauwi pa lang kami papasok na ung mga iba sa school., haiztz.. ok lang.. kaya yan.!

0 Comments: