Monday, August 4, 2008

bakit baliktad magbasa ng libro si bush.?


while im searching for Jun Cruz Reyes' Utos ng Hari., naligaw ako sa isang blog.. at napindot ng aking mga malilikot na kamay ang isa sa mga post niya..
nagpapauso siya ng bagong style ng pagbabasa.. gusto daw niyang baguhin ang traditional way of reading.. at gumagawa rin xa ng theory na matalino at mas gumagaling magbasa ang mga tao pag baliktad ang libro..
hmnnn., bilib na naman siguro si ate glow jan.. baka gawin niyang DepEd order yan ha.. nakow.!

Thursday, July 31, 2008

inaamin ko

inaamin ko., tanga ako at bobo sa spelling.. kea thank you sa pranka at napakasakit na magsalita na si Carlo na unang nagsabi sa akin at nag-away pa kami kaninang umaga kea ko nalaman ung mistake ko..hahahaha..ung dun sa post ko na leadership eh ung 3rd dun is laissez-faire pala..un..hahaha..

Monday, July 28, 2008

sci camp hang over

waaaaahhhhh., buti na lang alang paxok ngaun..haiztz.. bangag pa rin ako na galing ng sci camp..hahahaha..grabe naman kz.. wla pa atang one hour ung tulog ko nung first night..hahahaha.. kea ngaung maghapon ang gnawa ko lang ay matulog.! yehey.! mabuhay ako.! lol

hi tech na shepherd


oh ha.. astig no.. shepherd na naka ATV..hehehe..ipinadala yan ng Papa ko from dubai.. they were on their way to the site where they are working when they passed by a herd of camels..

Sunday, July 27, 2008

what is sizzling pakasyat made of.?

pakasyat is a sweet delicacy na made of sugar cane.. and how come that a sweet food will be sizzling.? yan ang hindi ko alam.. tinanong ko si kuya alldwin kung bakit sizzling pakasyat., tpos sabi nya wala lang.. hahaha.. adik no.? hehehe..

but our sizzling pakasyat is composed of persons this time.. teka grabe ka naman., hindi naman kami nagluto ng tao.. sizzling pakasyat is only our subcamp name..hehehe..ok balik tau.. let's start..

Ingredients:
40% super pasaway na boys
10% mahiyain na mga campers
30% active na mga members
20% na walang pakialam or hindi nakikicooperate..

Procedure:
  1. Patahimikin ang mga pasaway na boys sa isang pamatay na tingin lang..
  2. Pilitin ang mga mahiyain at hindi maxadong nakikicooperate na makijoin sa mga activities..
  3. I-manage ang mga active na members..
  4. Mag cheer ng "Sizzling Pakasyat" every event..
  5. Pagsabihan ang mga pasaway..
♦ ♦ ♦ ♦ ♦

► dito sa subcamp na ito ay masaya.. nung first day ay naiinis ako., kasi sobrang gulo ng mga boys and hindi sila nakikipagcooperate.. pero alam naman nila if kelan magseryoso..
ung mga iba naman naming mga groupmates ay walang pakialam., at hindi maxadong nakikipag cooperate..
► ang galing ng leader namin na si ate jane na sumayaw.. hehehehe
► nakakatakot magalit ang mga faci namin..especially arianne..
► ang galing ni ace..hehehe
► ang kulet ni carl bryan..
► sorry aj..hehehe..bati na tau ah..
► hai jeru.. hehehe..
► to ading mantika ng 1-a., grabe., ang tindi mong matulog..hahaha..
► aguyy elmar., magaling daw xang sumayaw ah..hehehehe
► julius cesar., ang ingay mo..lol

ASTIG ANG SIZZLING PAKASYAT

Friday, July 18, 2008

earthquake bukas.!?

waw., kelan pa na-predict ang mga earthquake.!? hahahaha.. pero malay mo magkaroon nga bukas.? hehehe..
it started as a rumor and then biglang nagspread at maraming mga tao na ang nababahala.. ang nagumpisa ng lahat ng to ay si Jucelino Nóbrega da Luz., at ito ay prinopesiya niya.. Siya rin po ang nagpredict ng pagkamatay ni Princess Diana., at kung ano ano pang mga pangyayaring talaga namang yumanig sa buong mundo.. He said that it will be a 8.1 magnitude on July 18., that will be tomorrow.. yay., scary no.? hahahaha.. let's not panic., just remember., dock., cover hold.! yan ang mga dapat gawin if may earthquake..
hmmnnn.. matanung nga yang si Jucelino if ano gamit nyang device para malaman if may earthquake..mukhang mas hi-tech pa sya kasi wala pang naiinvent na pwedeng magpredict ng lindol.
maging alerto na lang tayo bukas and let's pray to God that sana hindi mangyari ang sinasabi ni Jucelino. Let's pray to God and alam naman natin na hindi Niya tayo papabayaan..

Tuesday, July 1, 2008

time is gold

I do believe in the saying that time is gold. Time is important., coz a lot of things might happen in a minute. Pwede ka pang magrush ng homework sa Filipino or mag review para sa quiz sa english., gumawa ng project at basahin ang irerepot mo mamaya.
Grabe., ung sanang free time namin eh pwede pa naming gawin ang mga yan., pero wala eh. Recess namin ay 12 mins lang. Ang lunch time naman namin ay 66 mins., sana kaso ganito ang ngyayari.. Mag-oovertime kami sa last period namin sa umaga., dahil marami kaming ginagawa at medyo late ang teacher namin na dumating(pero oks lang.,para may vacant kami., hehehe). Kaya mababawasan yan., ng sabihin na nating 10 mins na OT. At dahil late wala ng masasakyang tricycle sa harap ng gate kaya maglalakad kami mula school hangang sa sakayan pauwi. Uhmmnn., that will take., around 5-7 mins din siguro., hehehe., mahirap maglakad eh at nakakatamad. Tapos maghihintay pa ng ibang passengers., taz nakailang beses ng dingdong ung kampana ng simbahan., hindi pa rin kami umaalis. Kaya., paghihintay ng passengers: 5-8 mins. Tapos mula Manaoag hanggang sa brgy. namin eh mga 12 mins din. Sa bahay., kain., toothbrush., konting hilamos., bihis tapos larga na. Hehehe.. 15 mins sa bahay. Tapos balik ulit sa school another 12 mins. So ilan na lahat., 10 + 7 + 8 + 12 + 15 + 12= 64.. Ayan may natira pang 2 mins., hehehe.. Ung 2 mins naman na un ay ang paglalakad ko mula gate hanggang sa ap building. Hehehehe., medyo malapit naman kasi..
At ganyan., ganyan nga ang ngyayari sa recess at lunch time ko. Natutunan ko ang express na paggawa ng mga bagay bagay. Nagtataka nga ung tita ko kung ano ang kinakain ko paglunch eh., kung umiinom na lang ba ako ng tubig para sa lunch dahil sobrang gahol sa oras.. hehehehe..
May isa pang saying na natutunan namin., ewan ko., saying ba talaga un o joke pag-pauwi na kami..
Papunta ka pa lang., pabalik na ako


Pano ba naman., papauwi pa lang kami papasok na ung mga iba sa school., haiztz.. ok lang.. kaya yan.!

Word for the day

promiscuous [prə mískyoo əss]
adj.
→ sexually active
Carlo a pervert, is also promiscuous at the same time.

Friday, April 25, 2008

operation come come paradise


matagal na naming pinagplaplanuhan na mag-outing ng family ko., para naman makapag unwind kami sandali..ang napagkasunduan nga that we are going to the beach..hehehehe..dapat sana dun sa hometown ng asawa ng tita ko., dun sa rabon somewhere in san fabian..parang di pa nga maxadong naabot ng civilization ung place na un eh..hehehehe..dun sana kasi we've been there for many times na and magandang mag fishing dun..hehehehehe...pero kanina., gumawa kasi ako ng bago kong photo album sa friendster., tapos inupload ko dun ung mga shots ko., eh ung title nya "shots ko" lang..di ba., napaka walang dating..kaya im thinking sana of possible title na mas catchy..tapos naisip ko tuloy come come paradise na lang..hehehehe..kaya lang di naman paradise ung mga shots kong un..kaya.! i took advantage of our coming outing..hehehe..xempre ginamit ko ang aking convincing powers and konting bola..tapos pumayag naman sila., na instead of rabon eh sa bolinao na lang.. mas maganda naman ng 100% more ang bolinao kaysa sa rabon no..a true paradise..and boracay of the north sabi nga., because of the white sand beaches..hehehehe.. nakaset ung outing namin next next week..all i have to do now is to buy lots and lots of battery for my cam..wahahahaha..excited na ako.!

Monday, April 7, 2008

patrol.patrolan

at dahil feeling ko na hindi na gumagana ung blog patrol ko dahil parang hindi na ata nadadagdagan ung mga mahiwagang numero dun eh napilitan akong icheck tuloy..huwaw.! marami akong nadiscover..marami na rin palang naligaw sa aking blog..may mga taga ibang ibayo na..at eto malufet may from Planet Nibiru pa.! wahahahaha..

ang nagintroduce sa kin ng blog patrol eh si ate kat..hehehe..astig kasi ung blogpatrol..mula sa screen resolution ng pc mo..hanggang sa ip address mo kaya nyang itrack..mwahahaha..(pwede ka na rin maging hacker if gusto mo..)hehehe..kita mo rin kung sino ung mga suki ng blog mo..hehehe..malalaman mo din kung pano sila napadpad sa blog..kung gamit ba si Mr. Google o may napindot lang at napapunta na sa blog mo..malalaman mo din if taga saan nga ung bwisitor este bisitor pala..malalaman mo pag nasa banyo ba xa ng icheck ka nya or nasa kapitbahay nila..at kung saang bahay., street., baranggay., town., city., province., country.. and if anong planeta..at saang galaxy..at kung saang ung specific na location nya sa universe..malalaman mo rin kung saan ung binasa na post mo..ung palaging binabasa..mga ganun ganun..may bago ngang feature ngaun eh..malalaman mo na ung pangalan., bday., at suot ng bisitor mo..nakakatakot ang blog patrol ano.? hehehehe

Sunday, April 6, 2008

usap.usapan.

haha(my friend) and i, were talking about our summer activities..actually i dont really know what to do this summer so i ask her..

ako: ano kaya magandang gawin ngaung bakasyon.?
haha: ewan
ako: ano ba gagawin ngaung summer.?
haha: mag-aaral ako ng japanese language..sinabi ko na kay mama..may alam daw xajan sa urda..*
ako: (haiztz..ganun..buti ka pa..) magpia-piano lessons siguro ako..

pero naisip ko..universal language na lang..at un nga ay..math..hehehe..
* contact nyo na lang ako if gusto nyo makausap si haha, pag gusto nyo ring mag nihonggo lessons..hehehe..

■ ■ ■ ■ ■

while wid our teacher..

teacher: punta kau dito lagi wala ako kasama dito sa school
ako: bat ano po ba gagawin nyo pa po dito.?
teacher: magsusummer ako ng mga bata..
ako: ano na ngay po pala math namin pag 3rd year na po kami.?
teacher: pwede nyo pa lang i-summer ung math nyo next year..
ako: talaga po.!?
teacher: joke lang..di pwede un no..

teacher: magdala nga kau ng mangga
ako: cge po mam., magdadala ako bukas ng pink na mangga
teacher: sinabi mo yan ha..ako magdadala ng green na alamang
kinabukasan..
teacher: oh., asan na ung pink na mangga mo.?
ako: hehehe..wala po eh..
teacher: sinabi mo kahapon, di ka rin lang pala magdadala..
ako: kau po mam..san na po ung green na alamang nyo.? hehehe
teacher: bumabawi ka ha..
ako: hehehehe..

■ ■ ■ ■ ■

may nagtext sa akin..di ko naman kilala if sinu..kaya..

0906:
..gm..

if you love me.,
i love you more.,
if you hate me.,
i hate you more..
~gudaftie~

ako: sorry pero hindi ako si gm ü and ang panget naman ng neym u ü gudaftie ü hehehe ü

■ ■ ■ ■ ■

lahat po ng ito ay ngyari..hehehe..wala lang akong magawa..hehehe..gusto ko lang ipost..

Saturday, April 5, 2008

human guinea pig

haiztz..sawang sawa na ako..lagi na lang pinageexperimentohan ung hair ko..grrrr.! nakakainis.. before ung parang hair ni mariel na lyk ethel booba..haiztz..nakakainis..maxadong agaw attention..as in talaga dati..lahat na lang ata ng tao tinatanong., anong gupit yan ading...? ang ganda ah..(sabay ngiti)..argh! feeling ko reverse psychology ung sinasabi nila..tapos almost 1 month ata akong pinagtritripan ng mga classmates ko dahil dun..waaaaaahh.! marami pang mga pangaasar ang naranasan ko nun..


then the other day..my mom decided to have us a hair cut..while on our way..
mom: san ka nagpagupit..?
ako: ah dun sa ano..
mom: dun ba., cge dun na tau magpapagupit..
ako: ok., pero wala na dun ung naggupit sa akin., lumipat na xa..
mom: san.?
ako: dun (sabay turo)
mom: oh di dun na lang tau..!

dapat ata di ganun sinabi ni mama eh..ganito..
mom: ok c'mon kids..charge.!

just like that..hehehehe..so balik tau..pagkarating namin sa parlor..parang nasa ibang dimension ako., ewan ko pero if ibang planeta na pala un..at may roong mga alien dun na kulay green(bakla)..at may mga bihag silang mga kawawang tao na unti unti na ring nagiging alien(mga customer).. nakita pa nga namin kung pano nila itransform ung mga tao into aliens..first inilulublob nila sila sa tubig..tapos inumpisahan na nila silang gupitan..tapos meron silang parang baril na naglalabas ng init kaya nagiging human bbq na sila..ung mga iba., kinukulayan., ginagawang mummy ung ulo tapos itatapat sa nakataob na batsa..at marami pang iba..hehehe..joke lang..balik na tau..

ung nagupit sa akin dati un din ung naggupit sa akin ngaun..and bcoz i dont know what will be my gupit., the bakla asked my mom..

bakla: mommy ano gupit nya.? *wink* *wink*
mom: basta paiklian mo lang..fgsdfgsdfgdfgdghfghkhkljh,kjsfduqiruwjfsa(di na ako nakinig)

konting gupit dito..gupit jan..tsik..tsak..tsik..tsik..tsik..yan na lang ang naririnig ko..at parang unti unti na akong nghihina..tsik..tsak pa rin..tigil..putol na tenga ko.! jowk lang..tapos na..and presto.! tapos na..may pinahid rin daw xang parang oil na ewan..pero sa tingin ko eh dinasalan ung oil ng mga bakla para humaba agad ung hair mo at magpapagupit ka ulit next week..

the result..
xempre sabi nila maganda daw..xempre di ako maniniwala..sinasabi lang nila un para di ako magpakalbo..hehehehe

Tuesday, April 1, 2008

celfon ish

bat ba ganun..pag may bago kang celfon tatanungin agad sau if may camera..ano naman ngaun if wala di ba.? at ano naman ngaun if meron.? kaya tuloy ung mga iba na walang cam eh tinatago na lang ung mga cp nila at kung minsan idenedeny na lang nila na may cp cla..pag may pakiramdam kaya ung cp., ano kaya nararamdaman nya no.? eh kung ikaw kaya ung cp na ganun.?

ung merong may mga cp na de camera eh sikat, astig, mayaman, kaibigan ng lahat..samantalang ung mga wala eh sabi nga nila napagiwanan na daw ng panahon.. anu pa kaya if parang safeguard ung cp mo at de antenna pa.?

pati mga bata ngaun eh may celfon na clang de camera..hay naku..naiintindihan na kaya talaga ng batang nasa kindergarten ang gamit ng hawak nya..buti nga at di nya napapagkamalan na laruan un..or buti at di nya nilulunok, tinatapon, iflush sa toilet bowl, gawing frisbee ni tagpi, iniluluto at isinasawsaw sa tubig ung cp nya..

ang importante lang naman talaga eh nakakatext ka at nakakatawag ka..ok na un..un naman talaga ang original na gamit ng celfon eh..pang luxury lang naman ung mga features na ganyan eh..para may mapagtripan..para may maipagmayabang..maganda nga celfon mo..wala namang load..useless di ba..ano pwede mo bang pangtext ung camera ng cp mo..or ung mp3 player nya.? ha.? ha.? ha.?! para saan pa ung mga gadgets natin if nasa celfon na lahat..wag na lang sana silang magmanufacture ng digicam, mp3, mp4,ipod,tv, videocam at radio,etc..baka time will come pwede ka ng maglaba sa celfon mo..or pwede na rin syang ref..

gusto mo magkaroon ng cam fon mo..try mo to..hehehe

gudto mo ung may games na maganda at cam..hehehe..
gusto mo pa ng iba..hmmmnn..basta idikit mo na lang ung fon mo dun sa bagay na gusto meron din ung fon mo..hehehe..gudlak pero sau if gusto mo ng may tv..hehehe

Tuesday, March 25, 2008

juan sipag

during the NAT., one of the reading selections in Filipino was Juan Sipag by Joaquin Sy..its a nice poem..even though maikli lang ung andun sa test., maganda talaga., naalala ko nga kaya na inspire tuloy akong magpost about it..

■ ■ ■ ■ ■


Tila kakabit na talaga ng pangalang Juan ang salitang tamad. Before it's not tamad but tanga..(for me being tamad is better than being tanga..hehehe).some say that Juan represents all the Filipinos. Then therefore we could say that Filipinos are tamad and yeah, tanga. Wait, hindi ata ako papayag dun.

Si Juan Tamad ay laging bida sa mga folklore(kwentong bayan). Isang super tamad at sabi nga nila eh tangang bata. Maari ngang tanga sya pero i some kinda like it coz he does things his own way by just using a little effort. Tulad ng mga iba pa, ang mga kwento ni Juan ay may layon na magturo ng aral..at iyon ay wag maging tamad, sumunod sa utos ng nanay at gawin ito dapat ng tama. Tamad nga ba talaga si Juan.? Sino nga ba ang nagsabing tamad sya.? Sino nga ba ang nagumpisa ng lahat ng to.?

Ayon nga kay Joaquin Sy, si Juan ay buong maghapon na nasa palayan. Buong maghapon na kumakayod ang mga Pilipino upang mayroong ipangtutustos sa inaraw araw. Maraming Pilipino ngaun ang nagpapakahirap sa ibang bansa upang guminhawa lamang ang buhay nila. Mayroon pa ngang mga iba na may trabaho na pero may sideline pa. Andyan din ung mga working students natin, nag-aaral habang nagtratrabaho. Meron din ung mga pinagsasabay sabay mga trabaho nila, multitasking ba. Parents mo or ikaw, wala ka sigurong computer at internet ngaun dyan or panginternet mo man lang kundi sa sarili nyong sipag. Kaya ka nakakakain ngaun dahil sa sipag ng kung sino man. At kung tamad nga talaga ang mga Pilipino, di dapat wala na nagtratrabaho, at wala na ang mga nagpapakahirap na maabot ang pagunlad. Oh ha.! masipag naman talaga si Juan, hindi ba.? Hindi rin pwede na wala kang kilala na Pilipino na dahil sa sipag at tiyaga ay naging successful sya. One of these, is Manny Villar, he is even known for his title Mr. Sipag at Tiyaga.

Tamad ka ba gaya ko.? tama tamad ako..at hindi lang tamad kundi napakatamad to the 100th power. Maaring tamad ka rin at marami pa taung mga kauri ngunit hindi naman dahil sa tamad tayo eh wala na tayong ginagawa. Siguro naman eh inaayos mo ung higaan mo at ginagawa mo assignments mo or even once in your life eh nahugasan mo na ung pinagkainan mo. My point is that, hindi buong buhay natin ay nakarely na tau sa mga ibang tao para gawin ung task natin or wala na tayong ginawa, but hindi lang alam ng iba na marami na taung nagawa kahit na simple lang mga ito. Wala rin lang naman taung ma-aachieve if tamad tau, walang matatapos, walang magagawa at walang pagunlad.

Pero kung wala ka pang nagawa sa buhay maski mga simple things lang, at puro ka na lang asa nanay at katulong nyo, at wala ka ng alam kung di magutos, eh mahiya ka naman sa mga masisipag nating kababayan. Na dahil sa katamaran mo ay pati sila nadadamay at buong sambayanang Pilipino nahihila. Kasama na jan sina Jose Rizal at Andres Bonifacio na kapwa mga masisipag na tao. Kaya magbago na tau tsong.!

Saturday, March 22, 2008

boredom striked me., agen., olweiz..


hehehe..i made it..^^

a spoof..starring Nagayama..from bleach rock musical..well then., what can i do..boredom striked me..to all Takashi Nagayama fans out there..pls don't hate me.. i also like him..even though he's already old..hehehe..coz he's so cute..^^

Thursday, March 20, 2008

ang noob

pangalawang araw ko pa lang pala sa mundong to..(teka mali ata iniisip mo)..i mean dito sa mundo ng blog.. at napakarami ko ng posts..hmmnnn..pero feeling napakawalang kwenta naman ng mga tinatype ko..

second day ba talaga..kz ang alam ko..last week ko pa ginawa ang blog na to..at kahapon nga..kahapon lang pala ako nagpost..kahapon ng madaling araw..wahahaha..bale isang araw pa lang pala..sinipag kz ako..at napasobra naman ata ang sipag ko..at nakailang posts na agad ako..pero wala pa ring comment..haiztz..ganyan nga ata talaga pag di ka sikat..

lam ko na..para naman bumenta tong blog ko eh gagawa din ako ng nakakatawang act at ipopost ko sa youtube..wahahaha..sasali nga rin ako sa music idol tulad ni ken lee..pinaguusapan nga yan kanina sa klasrum namin eh..akong di updated di makarelate..kala ko kung sino na yang kamoteng ken lee na yan..lol..ken lee tulibu dibu douchoo..

isa pang hit ngaun..si janina san miguel..hehehe..kaawa awa..napagtripan ng mapanghusgang mata ng bayan..binabaha ng comments bawat vid nya..halos negative pa lahat,,haiztz..para sa mga mayayabang na taong mga yan..di nya kasalanan un..lam nyo namang pirst pageant nya un ever kz 17 pa lang xa..ahahahaha..jowk,,peace..nakakanerbyos naman talaga ung ganun no..

di nyo naiitatanong eh na try ko na rin sumali sa beauty pageant..wahahaha..lol..di ko kau masisisi i yaw nyo maniwala..hehehehe..pero buti na lang..at bata pa ako nun..at pirst and last pageant ko na un..hehehehe..

saru mo ki kara ochiru-even monkeys fall from trees
■ ■ ■ ■ ■

ok balik balik balik..sa wakas..! may bago ng layout ung blog..yey! banzai.! banzai! ang galing ko talaga..wahahaha..hayaan mo na ako kahit na konting edit lang ginawa ko..pero mahirap kaya..kaw ba naman..mag-eedit ka ng codes pero di mo maintindihan ung mga words kasi parang pangkulto at parang curse ung words..pero salamat sa angkin kong talent., at sa kalabasa na nagpalinaw ng mata ko para mahanap ung mga codes..

haiztz..it's really such a pain..ya know..coz aym the kind of person that can't stand my site to be simple and without my personal touch..lyk my fs..for i want that my site should contain atleast a
logo..hehehehe..

its really bcoz of my stupidness kaya nahirapan ako..di ko alam na pwede din palang magkasya ung logo ko gamit ung shrink to fit na ewan..un..



Wednesday, March 19, 2008

spoofs^^


eto..eto ung masterpiece ko..ang pinakafavorite ko sa lahat..pero hindi pa to ung pinakamaganda..at pinakanakakatawa..^^ uhmmnn,, si kuya..teka itago na lang natin xa sa pangalang Lloyd..XD

ang ganda nya jan no..?hehehehe..don't worry..di daw xa magagalit jan..sabi nya..ewan ko lang ngaun..^^

dahil wala akong magawa..at inatake na naman ako ng kasabogan ko eh..napagtripan ko ung mga pictures namin..nung una..ung mga stored pics lang sa computer ko ung pinaglalaruan ko..yaw ko nga sanang ipost sa friendster eh..kaso..wala lang..para may mapagtripan..

lumalala ung sakit ko..kaya pati ung mga pics ng mga klasmeyts ko..at kung sinu-sinung kilala ko ang napagtripan ko..naalala ko..nadamay din pala ang walang kamuwang muwang na aso ko..hehehehe..di ko pa nga nai-uupload ung mga iba..kakatamad kz..hehehehe..wala pa naman akong natatanggap na death threats dahil sa mga ginawa ko..hehehe..pero baka malapit na..

kung wala kau magawa..at mejo gusto nyong makalog ang utak nyo eh..tignan nyo na lang ung spoofs album ko sa fs..^^

ikalawang araw..^^

haiztz..iba talaga ang resulta pag natulog ka ng 4:30 ng madaling araw,,

i was awakened by a human alarm clock..saying that..

taong alarm clock : "huy 7 o'clock na, may pasok ka ba.?"

dapat sana may katuluyan pa un eh.. may balak ka pa bang pumasok.? ganda ng sagot ko..isang napakagandang tango na nagsasabing wala akong pakialam 7 pa lang naman di ba..?^^ pero nagbago isip ko..muntik ko ng makalimutan ang napakabait naming sundo(yep, sa tanda ko pong ito eh sinusundo pa rin ako)..kaya un..napilitan tuloy ako..taz badtrip pala ngay..nasira ung lock ng palda ko at di man lang ako makahanap ng pin sa bahay..haiztz..at sa sobrang tagal ko ata eh 10 na ang apo sa tuhod ni kim(isa sa mga sundo din)..nakaready na nga ako na sa sobrang inis sa akin ng sundo namin eh ihulog na ako sa sapang bridge..lol..

▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀

sa school..aun..ganun pa rin..sabog pa rin kami..ay oo nga pala..sinabi na pala nila ang top 20..at sa kabutihang palad eh nakapasok naman ako..13..what a number di ba..!? hehehe..congrats pala sa top 10 na medyo na shuffle because of the deliberation..at kay kailin lalo na kay pauline.! rakenrol.!

▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀

hmmnnn..dahil dun sa ranking..mejo narelieve ako..na nalungkot..narelieve ako kasi baka di na ako lumipat at may possibility na ssc pa rin ako..nalungkot kasi baka ssc pa rin ako at di pa matatapos ang paghihirap ko..

sobrang lungkot ko din..kz baka maghiwa-hiwalay na kami ng mga klasmeyts ko..hmmnn..ma mimiss ko ang kasabogan namin..ung ingay..mga asaran..lahat..grabe..kakamiss..

sa mga klasmeyts ko..ma-miimiss ko kaung lahat..alabyu ol..walang limutan ah..friends pa rin..

▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀ ▀

lapet na vacation..haiztz..iniisip ko palang na-bobore na ako..ang boring kaya pag sa bahay lang..ano kaya magandang gawin ngaung vacation..? hmmnnn..mag bungee jumping kaya ako..?piano lesson..? magpakalunod sa beach at sa karayan beach..?ah lam ko na..mag-summer kaya ako sa algebra..sa tingin ko un na ang da best..

sa aming klasrum


ang aming klasrum ay isang zoo..dito ay mayroong mga hayop(estudyante:ako, kami) na inaalagaan ng mga zookeeper(mga responsible na klasmeyts at teacher) at tulad ng isang zoo may mga bisita(outsiders: nagbebenta ng bolpen,pagkain at kung sinu sino pa) din..

sa klasrum namin..may mga family family din..meron ding phyla..at nasa iisang kingdom..marami ding species..ung mga iba endangered, extinct at naguumapaw sa dami..xempre ung kingdom namin animalia..zoo nga eh di ba..? ung mga major phylum naman sa klasrum eh saboga., tornadata., walalanga., na under ng mga un eh mga different species na..meron din palang mga families..anjan sina haha..mommy..ate..kuya..bunso..daddy..lolo..lola..at xempre si kambal..hehehe

marami kang makikita dito..may pato, kambing, baboy, leech daw, gorilla, poste(ewan ko kung anong klaseng hayop yan) at marami pang iba..dito libre ang aircon..kasi tatangayin ka ng sobrang lalakas na tornado sa sobrang yabang ng mga iba kong klasmeyt..grabe.! ang yayabang talaga nila..magaling lang sila math...para na silang sino..hay naku..isa talagang malalang sakit yan na uso sa klasrum namin..at sanay na kami kaya para na lang silang breeze sa amin..pero malamig pa rin..ewan ko nga kung pwede silang pagkakitaan..mainit na ngaun eh,,hehehe..pampalamig..mga taong elctricfan^^

may mga iba naman na tahimik pero matinding bumanat..sus..mga silent worker sabi nga..akala mo kung sinong matino..nakow.! paginasar ka kawawa ka..karamihan ng mga species sa zoo namin ay galing sa sabogus lolticus o sabog..(yan, yan ang natutunan nila/namin kay bob ong,,ang dakilang si bob ong.. si bob ong na isang modelo..blahblahblah..okey balik na sa kwento..) mga taong *ehem* kami pala..ay sobrang lakas ng trip..kung ano ano naiisip..kung ano ano ginagawa..hala..hindi naman kami parang iniisip mong takas sa mental..pero parang ganun na rin..hehehe..para maintindihan mo kami yan gumawa ako ng meaning nya..

sabog n.
1.a state of mind where you are totally crazy and doing crazy things
2. a person that is sabog

sabog
adj.
1. refers to a person with a high degree of trippings or crazy doings in short sabog..

ang linaw no..hehehe..oh ha!oh ha! ang galing ko no..di ko alam marunong pala akong gumawa ng ganyan..ang galing at ang talino ko..wuhoohh! banzai! banzai! wag kaung magaalala pagnatapos ko bukas ung libro ni bob ong gagawa na ako ng totoo..hehehe..pramis..

balik na tau ha..at marami pa akong ikukwento..baka hindi pa tau matapos..

yun..may mga gadget dependent din..kumbaga pa eh drugs..di makakapamuhay pagwala mga gadgets nila..parang ako rin..hehehehe..yan anjan ang mga kitikitext,,mga taong wala nang thumb..kasi pudpud na sa kakapindot sa keypad..meron ding wala ng fingers pudpud sa kaka-kompyuter..meron ding walang thumb at index finger sa kaka-gameboy..meron din palang mga paubos na thumb kakaplaystation.. ano..mas matindi pa mag gadgets kaysa paputok no..

meron din pa lang..wala ng ibang ginawa kundi magtx..kulng n lng pagka2xuspn k nla eh ittx n lng nla sau..tka..bat prang tx n rn gnagwa q..wala ng ibang nabanggit kundi ung mga txtmate nilang "multinational" na parang multi-tribal..hehehe..peace..alabyu..meron ding mga mapantasya *coughs:parang ako ako* *clears throat*..na wala ng ibang inisip kundi mga crush nila parang sina piolo pascual, richard guttierez at dennis trillo..teka di naman pala ako ganyan..*coughs:di ako*..may nagkakacrush kay yael..si yael..yael na tooooot..hehehe..pero iba na gusto nya ngaun..hehehe..marami ng iba..marami pang mayroon mga crushes dun sa amin..pm mo ko ichichika ko sau..^^hehehehe

maraming parasite din sa klasrum namin..kasama na ako dun..hehehe..ung lahat na lang eh hihingin sa may puso klasmeyt..ung di na nagdadala ng gamit..tapos hihiram/hihingi sa kung sino meron..at pagmay parasite..meron ding hosts..yan..kung minsan anjan din ako sa group na yan..pero panandalian lang un..biruin mo naman..34 na tao..bibigyan mo ng papel..sa 9 nyong subjects..wala pa jan ung mga scratch..

very orderly sa klasrum namin..kz my cheating arrangement dun..wahahaha..pssst..secret lang ha..wag mo sasabihin kay mam..hehehe..give n take naman..xempre..pero ung mga iba puro take..bihira lang ung mga puro give..

dahil zoo nga..nakow.! mababasag ang ear drum mo sa sobrang ingay namin..grabe talaga..parang silang *ahem* kami wild animals..as a peace officer *ahem ako un*..whooooh...grabe..di ko na uulitin..ibalik nyo na akong treasurer..at pagabunuhin nyo na ako..wag lang po nxt year..grabe..ang gulo..ang ingay..waaaaahh!!! suki nga kami ng mga teacher sa kabilang klasrum eh..naktikim na rin kami ng ilang libong warnings pero patapos na school year di pa naman kami naguidance..hehehe..wag na sanang mangyari un..

walang magagalit ha..walang kokontra..blog ko to..hehehe..gawa rin kau..taz sabihin nyo na gusto nyo sabihin..ok lang..*grin*comment na lang pala kau..

unang post..^^

kagigising ko pa lang matapos ang napakahabang 6 na oras na tulog..halos di ko na nga maimulat mga mata ko sa sobrang dami ng muta ko..hmmnn..kumakalam sikmura ko..di pa pala ako ngdinner..!!!hehehe..kasi talagang nakatulog ako kanina habang nagbabasa ng paborito kong libro..at yun na nga ay Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong.. ewan ko nga ba kung bakit ko un binabasa eh di naman uunlad ang Pilipinas pag binasa ko un..^^

ngaung araw..teka..ano bang ngyari..nagcheck ako ng friendster ko..may comment naman..puro mga klasmeyt ko pero..naglog-in ako ng ym ko pero wala nang online..madaling araw na kasi..hmmnnn..sa skul..aun..baka wala ng 3-ssc nxt yir.! wahehehe..baka ma-dissolve kaming lahat..ang baba ng NAT namin eh..haiztz..kung wala sana ung pesteng exam na yan..nakatikim pala ako ng napakasarap na 78., mind you.. second ko na po yun..yup it's my second tym..hehehe..psssstt..secret lang natin ha,,wag mo na ipagkalat..oh anong sinasabi mo sa kasama sus..oo alam ko..matalino kau sa math..tanggap ko namang bobo ako jan eh..bat ba..ano ba talagang gamit ng mga yan sa buhay ng tao..haiztz..basta alam mo ung mga basic pwede na un..bat mapapaunlad ba ng xy na yan ang Pilipinas..matatapos ba nyan ung isyu sa Spratlys islands hindi naman ah.. hay naku.. pati yang geometry na yan(2nd year pa lang po ako pero talagang may geometry na kami,,nasa curriculum po iyon ng SSC)..pagkakain ka ba ng pizza eh susukatin mo pa ung circumference ng pizza para ma-divide mo equally para sa inyong lahat..bat pag nginuya mo yan eh anung ngyari sa equally divided na pizza mo..hay naku..tapos ano pa silbi ng mga architect, engineer, accountant etc. kung alam mo na ung trabaho nila..kung alam mo ng gawin mga ginagawa nila..ano pa point ng existence nila..ha?ha?ha? eto pa example..pagbibili ka ng ulam sa karinderia..ilan po ang mabibili kong x na kanin at y na ulam pagmeron akong n<100 pesos..? sa tingin mo papansinin ka ng tindera jan..kahit na gano ka kaganda at kagwapo..hindi ka nya papansinin..baka mamatay ka pa sa gutom bago nila masolve yung order mo.. naku naman..

ganito talaga ata ang epekto ng pagbabasa ng bob ong books,,wahahaha..^^