Friday, December 12, 2008

ssc poem

Ako’y isang SSC student.
Cream of the Crop kung ituring,
Ngunit ako’y hamak na tao pa rin,
Nagkakamali at nasasaktan din.

Maging “modelo” utos nila sa amin.
Dapat sumunod sa mga alituntunin.
The Best dapat ang mga gawain.
Ngunit kami’y nahihirapan din.

Sampu ang subjects namin
Tambak sa mga takdang-aralin.
Kami man ay subsob sa pag-aaral,
Ngunit masasaya pa rin.

Special Science Class.
Klase “daw” ng mga magagaling.
May grade na dapat mantinahin.
Kung hindi ay maalis sa seksyong giliw namin.

Hindi lang Science ang linya namin,
Maging sa ibang asignatura ay ayos din.
Iba’t ibang talento taglay namin.
Kami‘y marami pang kayang gawin.

“Nothing special” turan ng iba.
Ngunit kami ay di lang nila kilala.
“Mga mayayabang” tingin ng marami sa amin.
Gayong kami ay mababait din.

Hindi lang nila alam,
Dugo’t pawis puhunan namin.
Hindi lang nila naiintindihan,
Pressure at hirap na dinaranas namin.

SSC, sa maliit na grupong ito,
Kami ay nabibilang,
Konti man sa paningin,
Ngunit pamilya naman ang turing.
Dito ay walang iwanan,
Kahit survival of the fittest ang aming labanan.


wla lang.. la ako magawa eh.. inspired lang ako gumawa.. wahehehe..

0 Comments: