Wednesday, September 17, 2008

sakit ng estudyante., sakit ng lipunan

inaatake ako ng pinakamalala at pinakadelikadong sakit na pwedeng makuha ng isang estudyante., katamaran. walang nakakaligtas., kahit na sino., gurl man or boy; or kahit na feeling gurl man at feeling boy., kahit na anong year., kahit na anong section., matalino man o hindi.. contagious din ito., at popular sa mga upperclassmen.. ang mga sintomas nito:
  1. bored parati
  2. pagliban sa mga klase
  3. hindi paggawa ng mga assignments., activity., etc.
  4. inaantok sa klase kahit na 12 hours ang tulog kagabi
  5. hindi nakikinig sa guro., kahit na dumudugo na ngalangala nito sa kaka-discuss.,
mga dahilan:
  1. walang gaanong ginagawa sa school.,
  2. boring
  3. walang kwenta ang mga pinagagawa.,
  4. nahawa sa klasmeyt.,
epekto:
  1. mababang grades

ang katamaran ay walang pinipili., walang exempted., walang excused., everybody is a carrier.. ang sakit na ito ng mga estudyante ay sakit din ng lipunan.. kapag hindi nagamot o naagapan ang sakit na ito ay dadalhin nila ito hanggang sa pagtanda., at maging sa kamatayan.. sakit ng lipunan kung maituturing., ito ang siyang balakid sa pag-unlad ng mga estudyante maging ng ibang tao.., ito rin ay isang dahilan ng pagkabigo ng isang tao.. ito ay parang cancer na unti unting nilalamon ang sarili mo ng hindi mo namamalayan.. kung kaya't habang maaga pa ay agapan na., patayin ang mapaminsalang sakit na ito.!

0 Comments: