Thursday, May 29, 2008

cosme.bagyo.kaya.maraming.nasira.

last april 17 ay nanalasa ang bagyong cosme dito sa pangasinan, sa la union at sa benguet..wow dude grabe ang tindi.! ang lakas ng hangin, sumisipol. sa loob lang ng isang gabi, marami ng nasira..maraming ang nilipad ang bubong..kasama na dun sina lola ko at iba pang mga kapitbahay. maraming natumbang puno..ung mga iba nabuwal pa nga eh. sa kalsada, maraming nakahinggang poste ng kuryente, mala-spaghetti na mga kable, mga sanga ng puno at mga bubong.

ang pinakanahit dito sa pangasinan eh ang dagupan..hindi lang dagupan..basta dun sa west pangasinan. halos lahat ng mga bahay nawalan ng bubong, kung di man buong bubong eh, xempre partly lang. may mga casualties din, may nabagsakan ng puno, may natamaan ng lumilipad na bubong, atbp.


marami man ang nasira may mga good effects naman..
  1. mapapalitan na ng bagong bubong ang mga nilipad
  2. magiging bagong bahay na ang mga nasirang mga bahay
  3. mapapalitan na ang mga gamit na nabasa
  4. may mga garage sale or nagpapahingi ng mga gamit
  5. mas naging close ang mga family members sa isa't isa
  6. nauuso ang bayanihan
  7. ang mga magkakaaway ay nagtulungan(sana/siguro/ewan)
  8. ang mga tamad ay tumulong sa mga gawain(yahoo!)
  9. lalaki ang muscle ng mga nagiigib..
  10. kikita ang mga nagbebenta ng kandila, pagkain, mineral water, etc.
  11. maraming mabo-bote landok(mas kilala sa tawag na junk shop)
  12. marami ang nanalig muli sa Diyos
bad effects
  1. maraming bubong na nilipad
  2. maraming tahanan ang nasira
  3. maraming gamit na nabasa
  4. may mga mawawalan ng gamit
  5. maraming gagawin at aayusin, kaya di pwede ang tatamad tamad
  6. lalaki ang muscle ng mga babaeng nagiigib
  7. walang ilaw at tubig
  8. walang computer, tv, at radio
  9. may mga baha at landslide
  10. maraming puno ang natumba at nabuwal
  11. may mga naninisi sa Diyos
nung bagyo ay marami akong nasaksihang mga pangyayari. may mga nalungkot, may tumatawa, may umiyak, may natakot, may natuwa, at mayroon ding dedma lang. pero kahit na ganito ang ngyari, masaya pa rin ang mga pilipino, nakangiti pa ring hinaharap ang buhay.

0 Comments: