Thursday, May 29, 2008

cosme.bagyo.kaya.maraming.nasira.part.tu.

umuulan. malakas ang hangin. walang ilaw. mga 5 or 6 pm pa lang ata nun nung masira ung bahay ng kapitbahay namin. isang malakas na hangin lang, booom! wasak. wala na silang bubong, basa ang mga gamit nila, pati sila basa.

hindi pa ganun kalakas ung hangin at maaga pa ng umpisahan na tawagin ng aking mga housemates sila. pero ayaw nila umalis eh, actually ung anak lang naman ung ayaw umalis at ung nanay nya eh wala ng nagawa kundi sundin ang anak, baka may mawala daw sa mga malabundok na gamit nila. tawag kami ng tawag sa kanila, pero mukhang sound proof ata ang kanilang bahay inside and out, kaya parang wala silang naririnig. nagaalala na si lola ko nun, pero ala talaga eh, ayaw nilang lumipat sa bahay. ang nasaisip ko nung mga sandaling un eh, parang hayaan nyo na sila jan, lam nyo naman si ate dalin di ba.? hindi nya iiwan yang beloved na bahay nila..mamaya tignan nyo pag nasira yan, tatakbo din xa dito. at nagsawa din ang lola ko sa kakatawag sa kanila. ilang sandali pa, ganun nga ang nangyari. dumaan ang isang malakas na hangin, kablag! wala na ung bubong nila, pati ung balcon at kusina nila sira na rin pala. nagagalit na dun si lola ko, inaalala ko nga eh baka mahyper tension. tapos inuuna pa ni ate Dalin ung mga gamit nila kesa ke Chaps(shortened form ng Cha Piling). tapos nung makalabas sila eh iniwan pa nya si Chaps. haiztz. grabe un.

ready na sana kaming matulog ng humangin ulit ng malakas. tapos may narining kaming natumbang puno at isang malakas na pagbagsak. tapos isang segundo pa eh sumisigaw na sina ate karen. waaaaaahhh! nagpanic na ako nun. ako kasi ung unang nakarinig sa kanila. tapos may sinasabi sila pero dahil malakas ang ulan at may bumagsak nga eh ang akala ko nagaalala sila sa amin kaya sinabi ko Okey lang kami. ilang beses un ng marealize kong ang sinasabi pala nila eh Silewan yo kami pa(ilawan nyo nga kami). nagpanic na naman ako. tapos napatakbo ako sa may pintuan namin at nadulas pa ako. andito na rin sila sa bahay kasi nilipad din pala ung bubong nila. hanggang ngaun eh andito parin sila sa bahay kasi ginagawa na ung bahay nila. marami ring nakakatawa na ngyari nun eh..hehehehe. tapos one week din na niloloko ako nina ate karen at ate kat. hehehehe. pero masaya. ngaun nasa kanya kanya na nilang trabaho silang dalawa.

noong bagyo., ang mga matatanda naging bata.. ang mga bata ang naging mga matatanda..ang mga astig natakot..ang mga matatapang napaiyak..ang mga tamad sumipag(ako un)..ang mga hindi naguusap, nagusap.. ang mga di nagbabasa ng libro, napabasa.. ay mayroon din wala lang..ganun pa rin..

pagnadapa tau, tatayo at tatayo rin tau. ginagawa na ngaun ung bahay nila ate karen.. at ung bahay ni na ate dalin eh inayos na rin.. pang temporary lang ung ginawa sa kanila.. kasi hinihintay pa ung tulong na mangagaling daw sa pamahalaan.. haiztz..kelan kaya un darating.? buti na lang nanjan ang mga nagvolunteer para ayusin ung bahay nila..

cosme.bagyo.kaya.maraming.nasira.

last april 17 ay nanalasa ang bagyong cosme dito sa pangasinan, sa la union at sa benguet..wow dude grabe ang tindi.! ang lakas ng hangin, sumisipol. sa loob lang ng isang gabi, marami ng nasira..maraming ang nilipad ang bubong..kasama na dun sina lola ko at iba pang mga kapitbahay. maraming natumbang puno..ung mga iba nabuwal pa nga eh. sa kalsada, maraming nakahinggang poste ng kuryente, mala-spaghetti na mga kable, mga sanga ng puno at mga bubong.

ang pinakanahit dito sa pangasinan eh ang dagupan..hindi lang dagupan..basta dun sa west pangasinan. halos lahat ng mga bahay nawalan ng bubong, kung di man buong bubong eh, xempre partly lang. may mga casualties din, may nabagsakan ng puno, may natamaan ng lumilipad na bubong, atbp.


marami man ang nasira may mga good effects naman..
  1. mapapalitan na ng bagong bubong ang mga nilipad
  2. magiging bagong bahay na ang mga nasirang mga bahay
  3. mapapalitan na ang mga gamit na nabasa
  4. may mga garage sale or nagpapahingi ng mga gamit
  5. mas naging close ang mga family members sa isa't isa
  6. nauuso ang bayanihan
  7. ang mga magkakaaway ay nagtulungan(sana/siguro/ewan)
  8. ang mga tamad ay tumulong sa mga gawain(yahoo!)
  9. lalaki ang muscle ng mga nagiigib..
  10. kikita ang mga nagbebenta ng kandila, pagkain, mineral water, etc.
  11. maraming mabo-bote landok(mas kilala sa tawag na junk shop)
  12. marami ang nanalig muli sa Diyos
bad effects
  1. maraming bubong na nilipad
  2. maraming tahanan ang nasira
  3. maraming gamit na nabasa
  4. may mga mawawalan ng gamit
  5. maraming gagawin at aayusin, kaya di pwede ang tatamad tamad
  6. lalaki ang muscle ng mga babaeng nagiigib
  7. walang ilaw at tubig
  8. walang computer, tv, at radio
  9. may mga baha at landslide
  10. maraming puno ang natumba at nabuwal
  11. may mga naninisi sa Diyos
nung bagyo ay marami akong nasaksihang mga pangyayari. may mga nalungkot, may tumatawa, may umiyak, may natakot, may natuwa, at mayroon ding dedma lang. pero kahit na ganito ang ngyari, masaya pa rin ang mga pilipino, nakangiti pa ring hinaharap ang buhay.